Personal

Maghihintay Ako

Ika labing pito ng Nobyembre, taong dalawamputlabing anim. Ala sais ng gabi;

Malamig ang simoy ng hangin.

Madaming taong nagmamadali.

Maingay ang paligid.

Nakakabingi ang sigaw ng mga taong nais mauna sa pila.

May mga nag bebenta ng kung anu-ano; tubig, calamay, chichirya.

Maririnig mong tinatawag ang mga natitirang pasahero ng papaalis na barko.

Tanaw mo ang malawak na kadagatan mula sa kinatatayuan natin.

Pero hindi ko ito napansin,

Hindi ko ito pinansin.

Tanging nakatingin lang ako sa ibaba,

Habang nag iisip ng maisasagot sa tanong na “Mahal mo pa ba ako?”


Nabigla ako sa sinabi mong aalis ka na,

Nabigla ako sa sinabi mong hindi mo alam kung makakabalik ka pa.

Nabigla ako ng hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito.

Nabigla ako ng maramdaman kong kumirot ng husto ang puso ko kahit alam kong makakabuti ito.

Nabigla ako ng maramdaman kong kahit sagad sa buto ang galit ko sayo, naramdaman ko, OO, naramdaman kong mahal kita,

MAHAL NA MAHAL.


Naiinis ako kasi dapat iniiwasan na kita,

Naiinis ako kasi dapat hindi na kita dapat itext,

Naiinis ako kasi dapat wala na tayong koneksyon,

Naiinis ako kasi dapat hindi nalang kita pinuntahan,

Naiinis ako kasi dapat hindi na kita mahal,

PERO HETO AKO, MAHAL NA MAHAL PARIN KITA.

Sa huling pagkakataon,

Hiniling mong hawakan ang kamay ko,

Hiniling mong yakapin mo ako,

Hiniling mong tatagan ko ang loob ko,

Hiniling mong hintayin kita,

Hiniling mong mahalin pa rin kita.


Sa huling pagkakataon,

Nakita ko sa mga mata mo ang pangamba, pagsisisi, pag aalala, at pag-ibig.

Sa huling pagkakataon,

Naipadama mo sa akin ang pagamba dulot ng matagal na pagkawalay.

Sa huling pagkakataon,

Nasilayan ko ang pagsisisi sa pagkakamaling nagawa.

Sa huling pagkakataon,

Naramdaman ko ang pag aalala na baka mawala ang pagmamahalan.

Sa huling pagkakataon,

Nadama ko ang pag-ibig na kailanman hindi mo ipinagkait sa akin.

Sa huling pagkakataon,

Tinanog mo ako,

“Mahal mo pa ba ako?”


Malamig ang simoy ng hangin.

Madaming taong nagmamadali.

Maingay ang paligid.

Nakakabingi ang sigaw ng mga taong nais mauna sa pila.

May mga nag bebenta ng kung anu-ano; chichirya, calamay, tubig.

Maririnig mong tinatawag ang mga natitirang pasahero ng papaalis na barko.

Tanaw mo ang malawak na kadagatan mula sa kinatatayuan natin.

Pero hindi ko ito napansin,

Hindi ko ito pinansin.

“Oo, mahal na mahal.” Sabi ko.

“Maghihintay kaba?”

“Maghihintay ako.”

At maghihintay ako,

Sayo.

Sa atin.

Sa pag balik mo.

Sa oras na maayos na ang gusot.

Giliw, maghihintay ako.

Hihintayin kita.

Pangako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s