Ultimate Hugot Posts

SINGLE on a Valentines Day

It’s February.

Second month of 2016.

You see hearts everywhere,

You see couples everywhere,

You see people receiving sweet surprises everywhere,

And then suddenly, you realized you’re single on a Valentines day.

emma-stone-no.gif

Nag panic ka,
So what?

Eh alangan namang tumambay ka sa eskinita at mag-abang ng pwedeng ma jowa?

Alangan namang mag self advertise ka at ipangalandakan mo sa mundo na naghahanap ka ng pwedeng ma boyfriend o ma girlfriend exclusive only for Valentines day?

Bakit ba masyadong big deal sa mga tao yung pagiging Single sa Valentines day? Eh ordinaryong araw lang naman yun, at tsaka ikaw, oo, ikaw, sige fine, ikaw at ako, araw-araw namang tayong single ah, kailangan talagang mag inarte pag Feb 14?

Ganern?

Dapat talagang magparinig? Dapat talagang magpost ng ka bitteran sa mga taong masusuwerte ang lovelife?

Okay fine, I get it. Nagseselos ka kasi walang magbibigay sa iyo ng chocolates, teddy bears, letters at flowers.

Nag iinarte ka kasi for once gusto mong ma surprise on a Valentines day.

Nag bibitter-bitteran ka kasi nag eexpect ka na may kakatok sa pinto niyo at magdedeliver ng flowers na may note na “PS From Secret Admirer”

OKAY.

Hindi talaga natin maiwasan na maraming masasaktang singles ngayong Valentines day dahil naglipana ang mga masuswerte sa pag-ibig sa kanilang paligid.

Hindi naman natin sila masisisi, baka single sila by choice, single dahil nasaktan sa pag ibig, single dahil naiwan, single sahil naiwanan, single dahil may ibang priorities, or single dahil sa bawal na pag ibig.

Ganunpaman, tao din yan. Marunong mag inarte, at marunong masaktan.


Sige, para naman maibsan ng kahit konti ang hapdi ng ating mga mata dulot ng mga mag sing-irog na parang kubute na nagsusulputan sa araw ng puso, may tips ako:

1. STAY AWAY FROM SOCIAL MEDIA.

For sure lalanggamin ang screen ng phone mo dahil sa kasweetan ng mga tao. From cakes to dates at kahit wrapper pa ng kendi pinipictureran yan kasi hello? May significant part yan sa date nila.
Tigilan mo ang kaka stalk kay James Reid at Nadine Lustre, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Liza Soberano at kahit kay Marlou ng Hash5 kasi lalo ka lang maiinis dahil sa mga ka sweetan na pinapahayag nila sa kanilang partners sa instagram posts nila. At maiinis ka lang kay Marlou kasi mas may lovelife pa siya kesa sa’yo. *pogiproblems

Marlou-gif.gif

2. WAG KANG UMALIS NG BAHAY.

Wrong move yan beh, very wrong. Wag mong lisanin ang bahay mo kung ayaw mong maglakad nang paunti-unting tinusok ang likod mo dahil sa mga nakikita mong kasweetan sa paligid mo. Kaya ka nga umiiwas diba kasi ayaw mong mag emote. Tsaka kung may iuutos yung mama mo sa supermarket, o sabahay ng kumare niya, tanggihan mo sabay kanta ng “The Lazy Song” ni Bruno Mars, *Today I don’t feel like anything, I just wanna lay in me my bed* At siguraduhin mong nakalock yung kwarto mo para makaiwas ka sa karate chop ng mama mo dahil sa pagiging oa mo.

tumblr_mtuqm3fySp1sq8z9go1_500.gif

3. MATULOG KA.

Oo, yung tipong 8 AM-8PM, yung magdamagan, yung tipong pag gising mo, February 15 na. Humapdi man yung tiyan mo atleast hindi naman humapdi yung puso at mata mo tsaka makaksave din yung mama mo sa bigas. Diba? Libre diet na rin! 🙂

tumblr_lzmmjkdz9k1qi7u6f.gif


Sa totoo lang, WALA naman tayong magagawa kung single ka o wala kang kapartner ngayong Valentines eh at wala naman tayong karapatang husgahan yung mga lovebirds na nag eexchange gifts dahil buhay nila yan, paraan nila yan maipahayag nila yung pagmamahalan nila sa isat-isa.

Kaya ngayong Valentines day,imbis na malunod ka sa ka OAhan mo at imbis na ibigay mo yang love na yan sa kung sinu-sino, focus on the people who can love you more than a boyfriend or girlfriend. Tama na yang wrong definition mo of love.

Wag kang mag drama dahil ang love, PARA SA LAHAT yan.
Hindi lang boyfriend o girlfriend ang makakapagbigay sa iyo nyan.

Pamilya mo, kapatid mo, friends mo, pati aso mo. Mahal ka naman nila eh, ikaw lang tung OA.

At kung wala naman sa kanila ang nagpapahayag ng love sa iyo, may isa pang tao ang nagmamahal sa iyo ng buong-buo.

Wag mong kalimutang makipag usap at makipag date sa totoong pinagmulan ng love, si Lord. 🙂 Mahal ka niya, hindi lang tuwing February kundi Everyday!

crxs01.gif


It’s February.

Second month of 2016.

You see hearts everywhere,

You see couples everywhere,

You see people receiving sweet surprises everywhere,

And then suddenly, you realized you’re single on a Valentines day.

But you’re confident enough kasi, kahit single ka,all this time, YOU WERE NEVER UNLOVED.

gifs: google.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s