Uncategorized

Kapag pagod ka na sa kakaintindi sa puso mo.

Dear Puso,

Nandito na naman tayo eh. Kahapon sabi ko ayoko na diba? Pinag usapan na natin to diba? Sabi mo pa nga pagod ka na, ayaw mo nang makita ang sarili mo na binibigay sa taong hindi naman deserving, gusto mo ng space, gusto mong mamahinga, pero bakit nung nakita mo siya, kinalimutan mo lahat ng sinabi mo?

Gusto mo ipaalala ko sa iyo kung ano yun?

Sabi mo hindi ka na muling iibig?
Sabi mo tama na muna?
Sabi mo magpapahinga ka muna?

Pero bakit nung nakita mo siyang tumogtog at kumanta, nakisali ka sa indak na ginagawa niya?

Nung nakita mo siya, muli ka na namang nabuhay at nag piyesta.

Nag usap na tayo diba?

Dinamayan kita,
Sabay tayong umiyak,
Sabay tayong nangako.

Ang labo mo naman!

Alam mo naman kung paano ka nasisira diba?

Alam mo kung ano ang kahinaan mo!

Alam mo na kapag tinutukso ka, nadadala ka.
Alam mo na kapag may gusto ka sa isang tao, umaasa ka.
Alam mo na kapag umaasa ka, gusto mong maging kayo.
Alam mo na kapag gusto mo na kayo, gagawa ka ng mga bagay na kahit di dapat gawin ng isang dalagang pilipina, ginagawa mo.
Alam mo na kapag gusto mo yung isang tao, gagawa ka ng paraan na mapansin niya.
Alam mo na kapag gusto mo yung tao, nagpaparinig ka.

Yan ang hirap sa iyo eh!

Gusto mong masunod ang gusto mo!
Kahit alam mong magmumukha kang tanga, magmumukha kang gago, magmumukha kang kaawa-awa, magmumukha kang desperada! Forever nalang ba tayong #teammarupok?

Hindi ka naba natuto?

Anong nangyari nung nagkagusto ka sa isang kasama mo sa youth ministry? Akala mo mahal ka niya? Akala mo minahal ka niya? HINDI! Niligawan ka lang kasi alam niyang gusto mo siya!

Anong nangyari nung finally nanligaw na yung ka ‘almost’ mo dati? Sinagot mo kasi akala mo mahal ka niya. Akala mo mababago mo siya, akala mo okay lang kahit magkaiba kayo ng paniniwala, akala mo kaya niyang maghintay. Hello! Ang tunay na lalaki kapag mahal ka, hindi ka aayain nung makipag sex kung hindi pa kayo kasal! At imagine, 1 month pa lang kayo nun. Buti nalang hindi ka nagpadala!

Minsan kasi umayos ka nga!
Kaya ka nasasaktan eh!

Hindi ka kasi natututo, pagod na akong makita kang nasasaktan, umaasa, at naiiwan.

Naaawa na ako sa’yo.
Naaawa na ako sa sarili ko.
Wag na natin ulitin yung nakaraan.

Pwede ka namang magkagusto, pero PLEASE wag kang umasa!

Ibigay mo nalang sa Diyos yan, siya na ang bahala. Kung kayo, kayo. Kung hindi, may iba pa.

Tama na, mag bago ka na.
Magbago na tayo.

Advertisements

3 thoughts on “Kapag pagod ka na sa kakaintindi sa puso mo.

  1. Mahal ko…thank you for this one. I knew you wrote this for me because I’m being boy maot again like wtf. AKO NA! AKO NA PRESIDENT NG #TEAMMARUPOK! AKO NAAAAAA! Labyu ugh!

    Liked by 1 person

      1. Hahahaha pwede ren. Sana nga tamaan ako ng kidlat para magka-feelings na ako doon at tuluyan nang pakawalan itong si #premature. *makes warla the Miley Cyrus way*

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s