Personal

LJI

11/05/14

Hi!

Alam kong hindi mo naman mababasa ito eh, pero okay lang. Nasanay na akong hindi pinapansin at nasanay na akong nagsasalita mag isa, so no worries. Hahaha ang weird lang.

Kailan man hindi ko naisip o hindi ko matandaan na nag krus ang ating mga landas, ni hindi nga kita kilala nung binasa ko yung pangalan mo, nagtanong pa ako kung sino ka. Tsaka wala rin akong pakialam kung sino ka kasi minsan wala din akong pakialam sa mga bagay-bagay sa paligid.

Pero nung araw na nagkita tayo, nagkatabi tayo, ang tahimik mo lang, ni ayaw mo nga umusog sa kinauupuan mo kahit ramdam ko na nahihirapan kana dahil masikip, ang epic lang.
Tinanong mo pa nga kung hindi ko nahihirapan sa posisyon ko, sabi ko naman, Okay lang ako pero yung totoo nanghihinayang ako na naihiwalay ko yung headset ko sa bag na dinadala ko kasi na bobored ako kapag bumabiyahe, mabuti nalang ma chika din yung ibang kasama natin.

Nung nagsimula ka nang mag salita, tinanong mo ako kung saan ako nag tatrabaho, kasi nung minsan nagkasabay tayo sa isang jeep. Nagulat naman ako. Kasi ni hindi ko nga alam na kilala mo na pala ako sa mukha.

Nagsorry pa nga ako sa iyo kasi hindi kita napansin, alam ko kasing kapag sumasakay ako ng jeep, wala akong pakialam sa mga katabi ko, maliban nalang siguro kung may makita akong mukhang snatcher o rapist, dun gumagana ang pagiging hokage ko.

Ngumiti ka at sinabing naintindihan mo naman.

Bigla-biglang napansin tayo ng isang kasama natin, tinukso nya tayo at sinabing bagay daw tayo.
Nahiya pa nga ako dun kasi harap-harapan yun, tapos tumawa nalang ako baka dala lang yun ng gutom, sa bagay tangahli na din yun.

Dumating tayo sa destinasyon natin, parang walang nangyari kanina. Kumain, natulog, at gumawa ng mga kailangan gawin para sa camp.

Nung napansin mong may ginagawa ako, tinulungan mo ako. Actually sanay naman din kasi akong mag isa kaya okay lang pero dumating ka so gumaan ng konti yun trabaho ko. Napagtanto kong parang ang gaan mo kasama, na parang may koneskyon na kaagad tayo kahit ngayon lang tayo nagkita, na parang komportable akong kausap ka. Ewan, hindi naman ako gutom kasi kakakain ko lang ng fried chicken, hindi naman ako naiihi. Ewan, ang weird lang. Baka sa pagod lang to.

Kinabukasan, pag nakikita kita, ngumingiti ako; na parang may ibang klaseng saya ang nararamdaman ko. Na pag nakikita kita, may slow mo na nagaganap, na parang may background music sa likod ko, na parang naririnig ko ang boses ni Kyla na kumakanta ng “On the Wings of Love”, na parang may petals ng rosas na nahuhulog galing sa taas, na parang na paparanoid na ako dahil sa mga iniisip ko, kailangan ko na yatang ipamental ang sarili ko. #OTWOLpamore

Hindi ko maiwasang tumingin sa iyo, nasa harap ka kasi. At tatanungin niyo kung bakit nasa harap ako? Malamang program committee ako eh. Ano sa tingin nyo, nagfafangirl? Hahaha. LUL.

Nagfefeeling siguro ako pero bakit parang nararamdaman ko minsan na sekreto kang tumitingin sa akin?
Kasi kapag minsan kung tumitungin ako sa direksyon mo, napapansin kong nakatitig kana sa akin. What kind of sorcery iz thiz?

Hindi ko rin alam na all-around-musician ka pala, pero nung nakita kitang humawak ng gitara at nagsimulang tumogtog, narinig ko ring tumugtog ng masayang himig ang puso ko.

Hindi ako marunong mag tago ng feelings kaya kinabukasan nalaman ito ng iba nating mga kasama.

Tinutukso nila tayo palagi, ipinagtatabi, at sa mga panahong iyon, masaya ako, hindi dahil sa mga tukso nila, kundi dahil masaya akong nakakaramdam ng kasiyahan. Ang weird pero yun na yun. Hahahaha.

Alam ko awkward minsan, pero nagpapasalamat ako na kailanman hindi mo naisipang hindi ako pansinin kapag nagtatagpo tayo.

Nagpapasalamat ako na kahit awkward, ngumingiti ka parin.

Nagpapasalamat ako na pumayag kang mag selfie tayo. HAHAH. Pero sorry, di ko na inupload sa facebook.

Nagpapasalamat akong nakilala kita. 🙂

Hindi ko alam ang susunod na mangyayari sa ating dalawa, pero alam ng Diyos na gusto kita, hindi dahil sa itsura mo, kundi sa taglay na kabaitan mo.

Alam niya na kahit nung hindi pa kita kilala, yung mga katangian na gusto ko sa isang lalaki, natagpuan ko sayo.

Ang tagal kong pinagdasal yun; na ni minsan, hindi ko nalang binabangit kasi baka iniisip ng Diyos, nagdedemand ako.

Pero iba nung dumating ka eh.

Iba. Sobrang iba.

Inaamin ko, nakakamiss ka. Kasi wala akong ideya kailan tayo ulit magkikita, kung kailan kita ulit makakausap, at kung kailan ulit tayo magkakasama.

Ang tanong ko lang, pareho ba tayo ng nararamdaman?

Hindi ko alam ang mga sagot diyan kasi ikaw lang naman ang makakasagot niyan.

At ang Diyos lang ang may alam kung anong pwede mong isagot diyan.

Ang haba no? tsaka walang sense. haha ang babaw ko lang siguro. Wala kasi akong mapagsabihan pero okay lang, hindi mo naman babasahin to eh.

Ayan, nasabi ko na lahat.

Hanggang diyan na lang muna. Sige. Hahaha. Di ko alam paano tapusin ang liham na ito, siguro tatapusin ko nalang ng Bye. 😉

Kat.

Advertisements

4 thoughts on “LJI

  1. Ano ka ba Kath! May sense kaya 🙂 nakakatuwang basahin ang mga ganitong feelings kasi malay mo, mayroon ibang tao na ganito rin ang pinagdadaanan so makakatulong ka rin kahit papaano sa kanila. 🙂

    At salamat sa pagtulong sa akin. 😉

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s