Anxiety busters

Sa araw ng iyong paglisan


Ang sakit pagmasdan ng iyong paglisan,

Na ang tangi mo lang ginawa ay ang pag hakbang palayo sa taong kailanman hindi ka sinaktan.

Ang sakit pagmasdan ng iyong mga pag iling,
habang sinasabi mo sa akin na ako’y ayaw mo nang kapiling.

tumblr_nvultfrJUy1rox8eno6_400
Ang sakit pakinggan ng iyong mga salitang tumutusok na parang karayom, humihiwa na parang kutsilyo habang sinasabi mo na ayaw mo na akong mahalin.

Ang sakit pakinggan ng puso kong nabibiyak habang pilit kong pinipigilan ang aking pag iyak.

Ang sakit malaman na ang taong minsan akong napasaya ay siyang ang taong magbibigay sa akin ng kalungkutang hindi ko inaasahan.

tumblr_nvultfrJUy1rox8eno5_400

Ang sakit malaman na sumuko ka na pala sa panahong akala ko na tayo ay nagkasundo na.
Ang sakit malaman na ako nalang pala ang nagmamahal.
Ang sakit malaman na ako nalang pala ang hindi bumibitaw.
Ang sakit malaman na matagal mo na palang gustong mangyari ito.
Ang sakit malaman na nakuha mo na ang gusto mong kalayaan.

Ang sakit malaman na hindi mo na ako mahal.

tumblr_nvultfrJUy1rox8eno4_400

Ang hirap ipaintindi sa puso kong namamanhid ang nangyayari sa atin,
Wala akong maramdaman kundi ang hapdi at kirot na galing sa puso ko nang makita kong binitiwan mo na ang kamay na minsan nang humawak ng mahigpit sa relasyong tayo ang nagbuo.

tumblr_nvultfrJUy1rox8eno2_400
Wala akong makita dahil puno na ng luha ang mga mata ko na walang ibang hinangad kundi makita na ikaw ang magiging katuwang ko sa panghabang buhay.

Wala akong ibang naririnig kasi panay sigaw ang puso ko na wag kitang hayaang lumayo.
Ngunit, wala akong lakas na ipagpilitan sa iyo na piliin mong manatili dito sa piling ko.

Wala akong nagawa kundi tignan kang lumabas sa pinto dahil naghihina na ang mga paa ko, kagaya ng panghihina ng aking kalooban nung tinapos mo na ang pag-ibig na minsan nagbuklod ng ating mga puso.

Wala akong magagawa kung tuluyan ka mang umalis.

Wala akong magagawa kung mas pinili mong ipagpatuloy ang buhay mo nang wala ako.

Wala akong magagawa kung ayaw mo nang makita ang taong nagbigay ng malaking parte ng kanyang buhay sa iyo.

Wala akong magagawa kahit masakit.

Wala akong magagawa kahit umiyak ako sa harap mo.

Wala akong magagawa kahit magmakaawa ako na ipaglaban mo ang pag ibig nato.
Wala akong magagawa kung tuluyan ka nang aalis.

Wala.

At nahihirapan ako.
Nahihirapan ako dahil sinakal mo ang aking puso.
Nahihirapan ako dahil winasak mo ang mundo ko.
Nahihirapan ako dahil minsan pinagkatiwalaan kita.
Nahihirapan ako kasi minahal kita.

Nahihirapan ako kasi mahal parin kita.

tumblr_nvultfrJUy1rox8eno3_400

gifs credit to http://pakpak-ng-pagibig.tumblr.com/

#OTWOLFightForLove #EpicAirportScene #JadineForever

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s