Ultimate Hugot Posts

Jeepney Blues


Pag labas mo ng bahay, ano ang unang-una mong hahanapin?

Hindi true love,
Hindi din yung ex mo,
Hindi ang solusyon sa pag ibig na natapos,
Kundi jeep.

Oo, jeep.
Wag kang maharot, kakasimula pa nga lang ng araw.

Anyways, pag sumakay ka ng jeep, makikita mo yung ibat-ibang uri ng pasahero na nakasakay na maari mong maihantulad sa mga taong umiibig.

tumblr_mhm2ncreEa1r65ummo1_500


Una, yung mga runner, yung mga tipong tatakbuhin at nahahabulin yung jeep para makasakay lang. Eto yung mga taong handang habulin ang mga pag ibig na minsan nang nawalay sa piling nila at handa silang takbuhin gaano man kalayo ang distansya upang maibalik ang kung ano man ang mayroon sila dati. Perseverance is a MUST!

tumblr_mc9bweClOe1r33ccj


May mga frontliner/s,(kasi minsan yung front seat pang isahan lang) sila yung maswerte na nakaupo sa front seat at hindi nakakadanas ng mga pag nininja moves ng mga warriors sa likod. Eto yung mga taong pinagpala, dahil sila yung may magandang estado ng lovelife. Kitang-kita nila kung saan patungo ang kanilang relasyon. Alam nila kung saan patungo, anong pwedeng mangyari, anong pwede iwasan at sino ang pwedeng sagasaan kung may hahadlang sa relasyon na mayroon sila ngayon.

Eh di sila na.

tumblr_mlryzf79v31rpsc36o1_500


Kagaya ng nasabi ko sa taas, may mga warrior, yung mga taong nakikidudutan talaga sa entrada ng jeep, makapasok lang, at makapili ng lugar na maari nilang upuan sa jeep. Bilib ako sa mga taong to kasi eto yung klase ng tao na pag dating sa pag ibig handang makipagsapalaran, magkaroon lang ng magandang lugar sa buhay ng mahal niya. Sila yung mga naniniwala hindi sa forever kundi sa LOVE IS PATIENT. 🙂

tumblr_mjpj0sfXU81qfcbnno4_400


Siympre nandyan din yung “kahit konti lang” na klaseng pasahero, na kahit kitang-kita na niya na wala ng lugar para sa kanya ay pinipilit pa din niya na makisiksik sa upuan. At diyan, diyan tayo magaling, yan tayo eh, na kahit alam nating wala nang pag-asa na makahanap ng pwesto sa buhay ng kung sino mang tao ang minamahal natin, okay na tayo sa “kahit konti lang”. At pag pinilit talaga natin, tayo lang din yung masasaktan, magmumukhang kawawa at mapapagod. Jusko, may ibang jeep naman kasi, tska hindi ka sardinas para ipagsisikan mo yung sarili mo. Ipaalala ko lang sayo, tao ka, TAO.

tumblr_mwgun2Bre41sxy6b5o1_500


Sa jeep, hindi talaga mawawalan ng mga “Sabit“, eto yung mga willing sumabit kahit alam nilang delikado. At diyan, diyan magaling ang mga kabit, mga pangalawang option, at mga FUBU. Kasi kahit alam nilang delikado, na maari silang awayin ng kung sino mang makakaalam, WALA SILANG PAKIALAM kasi daw kahit delikado, exciting naman din daw.Eh bahala kayo, buhay niyo yan.

tumblr_inline_mi33458irI1qz4rgp


At panghuli nandyan yung mga “hanap ka nalang ng iba” na klase na pasahero, eto yung mga sinasabihan ng kondoktor na kahit isang team pa ng basketball ay kasya pa sa loob at pag nakapasok na sa loob ng jeep eh magtitinginan ang mga pasehero kasi wala nang space. Kaagapay nila ang mga pinaasa sa pag ibig, mga na friendzone at kung anu-ano pang klaseng zone yan; na kesyo mamahalin daw habangbuhay, wala siyang ibang babae aside sa mama niya, na sinasabi sa iyo na sa tamang panahon magiging tayo, at yung mga nagpapaniwala sa “ikaw lang sapat na” tapos ang ending sinasabihan ka nalang na “It’s not you, it’s me. Hindi mo ako deserve, hanap ka nalang ng iba“. LUL! Mukha mo.

tumblr_miz9fffGsZ1s43vfgo1_500


May mga tao na hindi natin inaasahan na bigla-bigla nalang dumadating sa buhay natin at magpapakita ng magandang motibo tapos may maiitim pala na balak.

Katulad ng mga “dito ka nalang umupo“, eto yung mga kunwari mababait, kunwari virgin, kunwari inosente, pero may mga nakatago pala sa loob; loob ng bag at yun yung mga kamay nila kasi kukunin nila yung kung ano mang mayroon ka.Actually magkapatid sila ng mga “sabit” pero mas harsh tung mga to. Kasi wala silang pakialam masaktan ka man basta makuha lang nila yung gusto nila. Eto yung mga kinaiisan ng mga taong wala namang masamang ginawa para sa pag-ibig pero pinagsamantalahan padin, tinake advantage, at walang nakukuhang benefit galing dun sa relasyon.

At bigla-bigla nalang pag tapos na sila sa kanilang misyon ,mawawala at maghahanap ulit ng bagong mga biktima. At diyan, alam ko, ramdam ko, diyan magaling ang mga ex natin.

rBqoEH9


Sa jeep hindi mo talaga maiwasan na may bababa, kasi narating na niya ang kanyang destinasyon, kung sa pag ibig may taong aalis kasi tapos na ang papel niya sa buhay mo. Pero kagaya ng jeep, kung may nawawala, may dadating. Kaya okay lang na may mawala sa buhay mo, panigurado may darating naman na hindi mo inaasahan (wag naman sana yung kagaya ng mga “dito ka nalang umupo”)

Kung nakita mo man ang sarili mo sa mga klase ng pasahero na nabanggit ko, ienjoy mo lang ang takbo ng buhay pero wag masyadong mawili baka may mangyaring hindi maganda at kung isa ka naman sa mga “sabit”, “kahit konti lang” at “dito ka nalang umupo”, HUY! AYUSIN MO BUHAY MO!

Sige! Amping! Have a safe trip! 🙂

gifs courtesy of Google

Advertisements

5 thoughts on “Jeepney Blues

  1. Mahal ko, katawaa nako sa WARRIOR oy. Hahahaha may mga tao talagang pilit na ipinaglalaban ang mga ipinagbabawal na damdamin at mga mithiin. Ito ang dahilan kaya maraming puso ang nababasag at mga pangarap na nawawasak.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s