Anxiety busters

HINDI KA NA NIYA MAHAL

Hindi ka na niya mahal.

Oo, ikaw.

Ikaw na patuloy na umaasa,

Ikaw na ang laging sambit ay siya,

Ikaw na yung wallpaper sa cellphone mo ay picture niyo nung nag celebrate kayo ng 1 year anniversary,

Ikaw na hindi inierase yung message niya simula nung una kayong nagkita,

Ikaw na pati username mo sa twitter at insta ay ang combination ng pangalan ninyong dalawa.

Ikaw na panay hiling sa Diyos na sana maibalik siya sa buhay mo.

Ikaw na panay pilit na ipagsiksikan ang sarili mo sa buhay niya.

Ikaw na lasing sa pag-asa.

Ikaw na ayaw mag move on.

Para sa iyo ito:

Bakit ko ba nasabing hindi ka na mahal nun?

Kasi kung mahal ka nun, hindi ka niya hahayaang mag hantay ng ilang araw bago makapag reply.

Kung mahal ka nun, sana pag labas mo ng gate ay nakita mo na siyang naghihintay sayo.

Kung mahal ka nun, panigurado susuyuin ka niya ulit bukas na bukas pagkatapos niyang nakipaghiwalay sayo ngayon.

Kung mahal ka nun, hindi yun tatakbo agad sa iyo, kundi magpapatulong muna siya sa magulang mo para magkabati kayo.

Kung mahal ka nun, marunong siyang umunawa na kung kailangan ka ng mga kaibigan mo, siya pa mismo ang maghahatid sa iyo.

Kung mahal ka nun, sana ikaw parin yung kasama niya sa mga lakad niya.

Kung mahal ka nun, isang text mo lang na gutom ka, magmamadali yung pumunta sa inyo na may dalang fries, pizza at kung anong pang gusto mong kainin.

Kung mahal ka nun, pag may nag tanong sa kanya kung sino ka, proud niyang masasabi na girlfriend ka niya.

Kung mahal ka nun, susuportahan niya ang paging fangirl mo; na sa halip na magselos ay siya pa mismo ang mag uupdate sa iyo kung ano yung bago sa iniidolo mo.

Kung mahal ka nun, edi sana nirespeto niya yung desisyon mo na ayaw mong may mangyari sa inyo bago kayo ikasal.

Kung mahal ka nun, maiintindihan niya lahat ng mga punto mo.

Kung mahal ka nun, ilalapit ka niya sa Diyos.

Kung mahal ka nun, sabay kayong maglilingkod sa Panginoon.

Kung mahal ka nun, sana magkasama pa kayo.

Kaso hindi na eh;

Hindi ka na niya mahal.

Hindi ka na niya mahal dahil wala na siyang interes sayo kaya ang tanggal niyang makapgreply sa message mo.

Hindi ka na niya mahal dahil iba na ang kanyang hinihintay.

Hindi ka na niya mahal dahil nauumay na siya sa walang sawang pakikipagbreak mo.

Hindi ka na niya mahal dahil sumuko na siya sa pagpapaintindi ng mga magulang mo.

Hindi ka na niya mahal dahil hindi siya marunong umintindi na may buhay ka din at kailangan ka din ng mga kaibigan mo.

Hindi ka na niya mahal dahil iba na ang kanyang kasama sa kanyang mga lakad at yun pala yung taong matagal na niyang tinatago sa’yo.

Hindi ka na niya mahal kasi feeling niya nagmumukha na siyang delivery boy dahil panay hatid siya ng pagkain sa iyo.

Hindi ka na niya mahal kasi naiisip niyang kompetensya yung iniidolo mo sa relasyon niyo.

Hindi ka na niya mahal kasi napapagod na siya sa kakaintindi sa iyo.

Hindi ka na niya mahal kasi naisip niyang hadlang ang relihiyon niyo sa isat-isa at ayaw din naman niyang mag adjust.

Hindi ka na niya mahal kaya ka iniwan.

Hindi ka na niya mahal.

Mas matinidi kung ngayon marerealize mong hindi ka pala niya talaga minahal.

Mas masakit.

Mas mahapdi.

Hindi ka niya naman talaga mahal kasi tapos na ang role mo sa buhay niya, pinagsisigawan niya lang naman na girlfriend ka niya para pagselosin yung ex niya.

Hindi ka niya naman talaga mahal kasi SEX lang ang habol niya sa iyo.

Hindi ka niya naman talaga mahal kasi mas mahal pa niya ang sarili niya kesa sa Diyos na mahal mo at alam mong hindi yan makakatulong sa paglingkod mo sa Diyos.

Gising na,

Tama na yan.

Hindi ka na mahal nun.

Advertisements

2 thoughts on “HINDI KA NA NIYA MAHAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s