Ultimate Hugot Posts

Paano magsulat with feelings?


Una, kumuha ka ng ballpen at papel.
Bakit yun ang kailangan kung may moderno namang pamamaraan?
Kasi mas maganda kung tradisyonal,
Mas may effort.
Di kagaya ng panliligaw mo,
Sa sobrang moderno ng mundo,
Sa text mo nalang naisipang hingin ang “oo” ko.

Tapos, mag isip ka ng magandang topic,
TOPIC ha? Hindi MAGANDANG PAMALIT.
Kagaya nung nangyari sa atin;
Nagandahan kalang pinalitan mo na kaagad ako?
Nasaan ang pag-ibig dun? Sa noseline?
Sa kilay? Sa foundation? Sa make-up?

Anyways, dapat sa pagpili ng topic, dapat alam mong naiintindihan ito ng tao.
Pero teka, marunog ka ba talagang umintindi? Simpleng away nga natin di natin maayos kasi hindi tayo nagkakaintindihan, eto pa ba kaya?

Isa pa, hindi naman dapat mabulaklak yung mga salitang gagamitin mo, okay na yung simple lang.
Kasi kapag nasobrahan na sa mga matatamis na salita, parang di na totoo, kagaya ng pagmamahal mo, di totoo.

Dapat makuha mo ang kanilang loob habang nagbabasa sila sa piyesang ginawa mo; yung alam mong ito’y mag iiwan ng marka sa kanilang mga puso. Kagaya nung paanong nakuha mo yung loob ko at tulad ng pag iwan mo ng mga sugat sa puso ko.

Tapos, isulat mo yan, baka mawala yung mga ideya sa isip mo na parang bula, katulad nung bigla ka nalang nawala sa buhay ko.

Isulat mo lahat ng naisip mo, ibuhos mo lahat ng mga salitang alam mong magpapaganda ng piyesa mo.

Gandahan mo yung simula katulad nung pag eefort mo nung kasisimula palang natin.

Pero ingat ka, tanga ka pa naman, dadating ang parteng mahirap sa pagsusulat.

Ito yung oras na nauubusan tayo ng mga salitang maari nating mailagay sa ginagawa nating piyesa.

Mga panahong kailangan natin ng buhusan ng konting effort kasi mahirap maghanap ng mga salitang nababagay dito.

Dito nasusubukan ang tatag ng isang manunulat; kung paano niya mapapaganda ang kanyang gawa sa halip na sumuko.

Kung paano niya kinakayang maghanap ng solusyon sa nauubos na mga kaalaman.

At kung paano niya naitatawid hanggang sa dulo yung piyesang ginawa kahit marami siyang naisasakripisyo, kahit mahirap at kahit pwedeng iwanan at magsimula ng panibagong piyesa.

Dahil wala ka namang pinagkaiba sa ibang nagsusulat na hindi marunong tapusin ang ginawa nila, hanggang sa simula lang ang kaya mo.
Pagkatapos dahil hindi ka naman marunong magpakatatag at magsakripisyo, nangiiwan ka.

Hanggang sa humantong ka sa desisyon kung saan ayaw mo nang magpatuloy sa pagsulat, katulad nung napagdesisyunan mong ayaw mo na ipagpatuloy ang relasyon natin, so kunin mo yung pinagsulatan mong papel.

Tapos punitin mo.
Itapon mo sa basura.
Parang puso ko lang;
Pinunit mo,
Tinapon mo
At iniwan mong parang basura.

Kalimutan mo nalang yung kagustuhan mong magsulat, kagaya nung paglimot mo sa akin.

Matulog ka nalang.

At sana,
BANGUNGUTIN KA!


photo courtesy: Google

Advertisements

4 thoughts on “Paano magsulat with feelings?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s