Ultimate Hugot Posts

Paano ba malaman kung nagpapakatanga ka na sa pag-ibig?


TA NGA

Eto yung pakiramdam na mahirap maiwasan kapag narasan mo nang umibig.

Yung pakiramdam na kahit sino  walang lusot dito.
Yung kapalit ng pag-ibig na minamadali,
Yung kapalit ng pag-ibig na pinilit.
Yung kapalit ng pag-ibig na mahirap makamit

Yung kapalit ng pag-ibig na pilit ginagawang tama kahit mali

Kailan mo ba masasabing nagpapakatanga ka na?

Eto ba yung ilang taon na kayong sweet sa isat-isa, pero kapag tinatanong mo siya, hanggang SWEET FRIENDS  lang kayo?

O yun bang tinatawagan ka lang para mag comfort sa kanya pag naghihiwalay sila nung girlfriend niya, tapos pag nagkabalikan na sila,mabuti pa yung multo, marunong magparamdam?

Yun bang kahit nahuli mo na ngang may iba, naniniwala ka namang bestfriend lang niya?

Yun bang pumapayag ka na pangalawa  ka lang kasi hindi niya maiwan yung una?

Yun bang kahit alam mong hindi siya nag rereply sayo, panay padin ang text mo at kapag hindi kapa nakontento pinapaloadan mo pa siya ng Unli Call at Text for 1 month?

Yun bang umaasa kang ikaw parin ang laman ng mga posts niya sa facebook, twitter at instagram?

Yun bang ikaw ang  palaging umeffort na bumili ng regalo kapag monthsary niyo?

Yun bang ikaw palagi yung nagbibigay at siya naman ang yung tipong tanggap lang ng tanggap?

Yun bang umaasa  kang may madadatnan kang note at rose sa ibabaw ng desk mo galing sa kanya?

Yun bang panay tingin  ka sa labas ng gate ng paaralan mo, naghihintay na sasalubungin ka niya at may dala siyang boquet at teddy bear?

Yun bang pinapaniwala  mo yung sarili mo na rebound lang yung pinalit niya sa’yo at sa ilang mga araw maghihiwalay din sila.

Yun bang umaasa ka isang araw gigising siya na marerealize niyang mahal ka din pala niya?

Yun bang panay ang pakikipag break niya sa’yo at sinabi mo na sa sarili mo na ayaw mo na, pero pag nag sorry siya sa’yo, dagdag na naman yan sa ilang ulit niyong “second chance”

Yun bang dinaig nyo na ang traffic sa EDSA dahil sa hindi pag usad ng inyong relasyon?

O baka naman kahit wala na kayo, isang hiling nya lang na ibigay ang katawan at kaluluwa mo, para ka namang Jolibee na 24/7 available para sa kanya?

Yun bang kahit alam mong pwede kang kumalas sa mga hawak niya hindi mo magawa kasi takot ka?

Yun bang pwede mong iwasan yung mga halik niya ngunit hindi mo na magawa kasi masyado ka nang lasing sa mga pangako niya?

Eto kaya yung  binubulag mo sa katotohanan  yung sarili mo kasi mahal mo pa siya?

O yung hindi ka nakikinig sa mga taong nagmamalasakit sa’yo kasi ang importante masunod ang puso mo?

Baka naman yung ayaw mong sundin ang utos ng utak mo  dahil sabi ng puso mo na pwede pa, may pag-asa pa?

O yung  araw-araw hinahangad mong bumalik siya sayo kahit alam mong tapos na kayo?

Kung nakikita mo ang sarili mo sa mga sinabi ko, Congrats!

Tanga ka!

Ay mali.

Isa kang DAKILANG tanga!

Kaibigan, wala namang masamang umibig.

Ang masama yung pagpapakatanga mo para sa pag-ibig!

Oo,  walang bumibilang kung ilang beses nagpapaka tanga para sa pag-ibig,
Pero di porket libre maging tanga, inaaraw-araw mo na.

Tapos sasabihin mo sa akin na nakikialam lang ako sa’yo,
Na hindi naman kita kilala at nag susulat lang naman ako.
At isusumbat mo sa akin na wala naman akong pakialam kasi hindi naman ako yung nasa sitwasyon,

Sige!

Magpaka tanga ka!

Umasa ka sa wala!

Saktan mo sarili mo.

Ienjoy mo yan.

Ayaw mo magpapigil eh.

Lasapin mo ang sarap ng pag-asang alam mo namang hindi mo makukuha.

At pag dumating ang araw na napagod ka na,

Wag mo siyang sisihin.

Pati ako, wag mo akong idamay.

Wag mong idahilan na parte yan ng pag-ibig.

Kasi may choice ka,

At kagustuhan mo yan.

Kagustuhan mong maging tanga!

“Kapag mahal ka, babalikan ka”

Pero pag hindi na

Matuto kang harapin ang realidad,

At tigilan mo na ang pagiging tanga!

Pakikabit nga sa apilyedo mo ang “MOVE ON”,

At nang matauhan ka na sa pag iilusyon.


Photo Credit: English Only, Please; Google

Advertisements

3 thoughts on “Paano ba malaman kung nagpapakatanga ka na sa pag-ibig?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s