Anxiety busters

Kumusta?

“Kumusta?”

Simpleng tanong,

Pero minsan,

mahirap sagutin.

Tanong na kahit simpleng “okay lang” hindi mo magawang sabihin.

Tanong na napapaisip ka kung sasabihin mo ba yung totoo o gagalingan mo nalang ang pagsisinungaling.

Tanong na nakakaapekto ng damdamin.

Tanong na may malalim na patutunguhan.

Tanong na hirap ka iwasan.

Minsan, may nagtanong sa akin kung kumusta na ako.

Siyempre, sabi ko “Okay lang!”

Tumaas ang kilay niya,

Hindi niya ako pinaniwalaan.

Wag na daw ako magpanggap.

Sabi ko naman, “Okay nga talaga ako.

Sabi niya, “Hindi”

Sabi ko, “Oo nga

Tinignan niya ako.

At unti-unti akong bumigay,

Biglang pumatak ang mga luhang pilit kong tinatago.

Napawi ang ngiting kanina ko pa gustong iwaksi.

Naramdaman kong nalaglag ang mga naiwang parte ng aking puso.

At dun,

Doon ko na realize, hindi pala ako okay.

Hindi ako okay.

Hindi.

Muli kong naramdaman ang tindi ng pag wasak mo sa akin.

Kasi akala ko wala na,

Okay na,

Pero pag tinatanong ako kung kumusta,

BIgla nalang lumilitaw ang bakas ng iyong pag-iwan.

Bigla nalang bumabalik ang pait na aking naranasan.

Bigla nalang akong nanghihina.

Napapagod.

Napapagod magpakatatag.

Kumusta,

Tanong na tumatraydor sa damdamin,

Tanong na kailanman ayoko ko nang pansinin,

Tanong na nagpapaalala sa akin na masakit pa din.

Tanong na dala ay bangungot.

Tanong na wala akong maisip na maisagot.

Kumusta,

Kumusta na ba talaga ako?

(Photo Credit: Tumblr)

Advertisements

11 thoughts on “Kumusta?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s