Anxiety busters

Rebound

REBOUND.

Re bound.

Rebound.

Ako yun.

Yung babaeng tinatakbuhan lang kapag nakikipag break yung mga syota nila sa kanila.

Yung babaeng pinagkakaabalahan nilang lokohin dahil wala silang ibang maloko.

Yung babaeng pinapangakuan ng panghabangbuhay na pagmamahalan pero tatapusin lang pala ang relasyon sa isang buwan.

Yung babaeng ginagamit nila upang pag selosin ang kanilang mga ex.

Yung babaeng ginagawang pampalipas oras para sabihing nakapag move on na sila.

Yung babaeng pinapaniwala sa “I love you”, “Forever”, “Akin ka lang”, tapos hindi naman pala siya yung nasa puso.

Yung babaeng sinasama nila sa picture para ma in-your-face nila yung ex nila.

Yung babaeng kaharap niya palagi pero yung ex niya ang palaging bukambibig.

Yung babaeng hawak-hawak niya yung kamay, pero wala naman sa kanya yung isip.

Yung babaeng pinagbabawalan makipag usap sa ex pero siya pasekretong nakikipagkita din pala.

Yung babeng “priority” niya kuno, pero hindi mo alam dalawa pala kayo.

Yung babaeng niligawan lang para may makapagtugon sa nananakit niyang puson.

Yung babaeng hindi naman si Sarah Geronimo pero pinapa ikot-ikot lang.

Yung babaeng hindi naman elasto seal, pero ginagawang panakip butas.

Yung babaeng hindi naman siopao pero binobola-bola.

Yung babaeng hindi naman barbie doll pero yung damdamin ay pinag lalaruan.

Yung babeng hindi naman taxi pero pinapasakay sa trip nyang mang gulo ng buhay.

Yung babaeng hindi naman ka anu-ano si Bob Ong, pero ‘lang ya! Ang bobo tsong!

Yung babaeng kailanman hindi niya kayang mahalin,

Yung babaeng ang sarap sampalin,

Yung babaeng nagpdala sa damdamin.

Yung babaeng utak ay hindi ginamit.

Yung babeng panay ang iyak dahil masakit,

Yung babaeng hindi maubusan ng tanong na bakit.

Yung babaeng ginagawang pansamantala.

Yung babaeng iiwan lang din pala.

Yung babaeng kaharap ko sa salamin,

Yung babaeng kausap ko.

Ako yun,

Ako ang babaeng yun.

Rebound.

Para dama yung feels *click mo to*

(Photo courtesy of Tumblr)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s