Personal

Malabo

MALABO


Malabo,
Kagaya ng tubig na nasa tabo,
Kagaya ng mata ko pag may binabasa ako sa malayo.
Kagaya ng ballpen kong paubos na ang tinta,
Kagaya ng madumi naming bintana.

Malabo,
Kagaya ng signal sa radyo kapag may bagyo,
Kagaya nung mga sasakyang mas mabilis pa ako kung tumakbo.
Kagaya nung tropa kong lalaki na naging bading,
Kagaya nung mga vandal sa tapat ng aming ding-ding.

Malabo,
Kagaya ng panahong pa bago-bago,
Kagaya ng solution sa math quiz ko.
Kagaya nung lalagyan ng ice cream na isda pala ang laman,
Kagaya nung pagkukumpuni ng daan na kakaayos pa lang.

Malabo,
Wala na akong maisip na iba,
Yan yung eksaktong salita para sa ating dalawa.

Malabo,
Salitang itinaga ko sa puso ko.

Yan tayo.

Ay,

wala palang tayo.

Ang labo.

(photo courtesy of Tumblr)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s