Personal

Pag nagkita tayo ..

Paano kaya pag nagkita tayong muli?

Mag so slow mo ba ang paligid natin katulad ng nasa mga pelikula?

May back ground music bang tutugtog pag nakita na ako ng iyong mga mata?

Titigil ba sa pag ikot ang mundo pag nasa harapan na kita?

Siguro.
Siguro.

Mapapansin mo kaya ang saya sa likod ng aking mga mata?

Mapapansin mo kaya ang kaba sa likod ng aking saya?

Mapapansin mo kaya ang aking ngiting pilit kong nililihim?

Mapapansin mo kaya ang aking mga patagong tingin?

Hahawakan mo pa ba ang aking kamay ng mahigpit?
Maririnig mo kaya ang pagtibok ng aking puso dahil sa sobra mong pag lapit?
Ipapparinig mo pa ba sa akin ang tamis ng salitang “mahal kita?”

Pag nagkita ba tayong muli, tatakbo ka ba patungo sa akin?

Sasalubungin mo ba ako ng halik?

Ibabalot mo ba ako sa iyong yakap na mahigpit?

Titignan mo ba ako ng patagos sa mata?

Ipapadama mo ba sa akin ang pag ibig mo na hindi ko nadama sa iba?

Kasi ako,

Pag nakita kita,

Titignan kita sa malayo,

At tatakbo ako,

Hindi papunta sa iyo,

Kundi papalayo.

Papalayo.

Hanggang umabot ako sa lugar na hindi na kita makita.

Kasi ako,

Ayoko ko na.

Ayaw na kitang makita pa.

Ayoko na.


04:54 PM, September 2, 2015

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s