Personal

MASAKIT NA MGA ALAALA

MASAKIT NA MGA ALAALA

KATHLYN MARTINEZ, 0831015, 12:07pm


Natatandaan ko pa yung panahon na una tayong nagkita.

Natatandaan ko kung paano naramdaman kong lumamig ang paligid dahil sa aircon na nasa aking gilid.

Natatandaan ko kung paanong naglahad ka ng kamay sa akin at kung paano ko ito tinanggap.

Natatandaan ko kung paano tayo nag usap,

Natatandaan ko kung paano tayo tumawa at kung paano tayo sumagot sa mga walang-kwentang tanong.

Ganun lang,

Yun lang ang pag kakaibigang nabuo,

Umalis ka,

At aalis din ako.

At sa isang araw muli tayong mag kikita,

At mauulit na naman ang pagkukwentuhan,

Pagtatawanan,

At ang pakikipag usap ng ating mga puso.

Naalala mo ba kung paano ka tumingin sa akin?

Yung tipong kinakausap ako ng mata mo,

At may bigla nalang tumatagos sa puso ko.

Hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin,

Basta isang araw nakita ko nalang na lumalalim,

Ang damdamin na aking pilit na nililihim.

Naalala mo ba kung paano mo hinawakan ang kamay ko sabay sabi na hindi mo na ako bibitawan?

Naalala mo ba kung paano mo ako hinalikan sa noo sabay sabi na walang mang iiwan?

Naalala mo ba kung paano mo ako tinuruang buksan ang puso ko na minsan narin nagsara?

Naalala mo ba kung paano mo ipinaalala sa akin na ako’y maganda?

Naalala mo ba kung paano mo ipinaramdam sa akin na ako’y mahalaga?

Naalala mo ba kung paano mo ako tinggap kahit alam mong magka-iba tayo?

Naalala mo ba nung sinabi mo sa akin na wag akong mainggit kay Toni Gonzaga at Paul Soriano kasi gagawa tayo ng sarili nating kwento?

Naalala mo ba nung minsan sinabi mo sa akin yung mga plano mo tungkol sa ating dalawa, pati yung plano mong pagpapakasal at pag gawa ng pamilya?

Naalala mo ba nung sabi mong gustong-gusto mo ako ang unang-una mong makikita sa pag dilat mo ng iyong mga mata?

Naalala mo ba kung paano mo sinabi sa akin na pag silbihan kita?

Naalala mo ba kung paano mo ako gawan ng kanta?

Naalala mo ba kung paano ako lagi ang laman ng iyong mga status sa facebook?

Naalala mo ba yung palagi kang nanghihingi ng picture ko sabay sabi isasave mo at gagawin mong wallpaper?

Naalala mo nung ipinaliwanang mo sa akin na may “forever” at tayo, tayong dalawa ay tatagal hanggang “forever”?

Naalala mo ba yung unang bigkas mo ng salitang “Mahal kita” at kung paanong dumampi ang mga labi mo sa mga labi ko?

Kasi ako,

Naalala ko,

Naalala ko bawat salitang binitiwan mo,

Yung mga simpleng bagay na ginawa mo,

Yung mga bagay na nagpalalim ng aking damdamin,

Naalala ko yun,

At yun,

Iyon ang masakit.

Masakit kasi bumabalik

At bumabalik,

At bumabalik ang mga alaalang ayoko ko nang maalala.

Naalala ko kung paano mo ako pinaniwalang mahal mo ako.

Naalala ko kung paano mo ako ginago.

Naalala ko kung paano mo nilason ang isip ko.

Naalala ko kung paano mo ako niloko, dinamay mo pa ang mama at papa ko.

Naalala ko kung paano mo ako pinaikot sa larong ikaw ang may alas.

Naalala ko kung paano ako nagsayang ng oras.

Naalala ko kung paano mo ako sinaktan at pinaglaruan.

Naalala ko kung paano mo ako iniwan na parang isang maduming basahan.

Naalala ko kung paano mo tinapos ang relasyong kakaumpisa palang.

Naalala ko ang text message mong puro walang kwentang rason ang laman.

Natatandaan ko kung paano tayo unang nakita, ni huling beses na maging tayo, hindi ka man lang nagpakita.

Natatandaan ko kung paano lumamig yung paligid, katulad ng pag lamig ng iyong pakikitungo sa akin.

Natatandaan ko kung paano ko tinggap ang kamay mo, katulad ng pagtanggap ko sa iyo sa buhay ko.

Natatandaan ko kung paano tayo hindi na nag usap pagkatapos mo akong iwanan.

Natatandaan ko kung paano ko pinagtawanan ang sarili ko kasi nagpa dala ako sa walang kwentang lalaki gaya mo.

Natatandaan ko kung paanong umalis ka sa buhay ko.

Natatandaan ko kung paanong isinumpa ko na hindi na kita gusto makita.

At natatandaan ko kung paanong naramdaman ko ang pag ibig na minsan nag pasaya sa akin ay ang pag ibig na magdudulot ng sakit sa puso kong walang ibang gustong maramdaman kundi ang mahalin.

Ang bakas ng mga alaala mo,

Masakit,

Kahit ngayon,

Masakit pa rin.

(photo credit www.glogster.com)

Advertisements

5 thoughts on “MASAKIT NA MGA ALAALA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s